Tuesday, October 1, 2013



Kaunlaran, Posible Ka Nga Ba?


Sabi nila
Ang marami at  matataas  na imprastraktura,
Kagaya ng gusali, bahay, at pabrika
Ay  senyales daw  ng pag- asenso
Pero di naman ito talagang totoo.

Bakit ika n’yo?
Dahil dulot nila ay delubyo kapag may malakas na pag-ulan at bagyo.
Sa aking pag –aaral, tsaka lamang ito masasabing pag-asenso,
Kung ang kapaligiran ay hindi naikokompromiso.

Noong dekada saisyenta
Ang taonang naipapasok sa bayan  na pera
Mula sa mga produkto at serbisyo
Ang siyang naging basehan ng pag-asenso.

Noong namang dekada syetenta
Naiba na naman ang sistema
Ang pag-unlad daw ay ang naaayon sa pagkabuti ng kalidad  ng buhay
Kung saan mas komportable ang pamumuhay.

Sa mga sumunod na taon
Nag-iba iba ang naging obserbasyon
Dahil  ang kahirapan na pinakamalaking problema
Hindi mapuksa – puksa.

Sa larangan ng ekonomiya,  teknolohiya, at politika
Magkakaiba ang nakikitang sanhi ng problema.
Magkakaiba din ang mga naiisip  at nagagawa na panglutas
Patungo sa mas maunlad na Pilipinas!

Ngunit bakit hanggang ngayon tila tayo ay nasa ibaba?
Habang nasa i
taas ang mga karatig-bansa?
Nasa pmamalakad ba ng gobyerno?
O nasa pag-uugali nating  mga Pilipino na kulang sa patriyonismo?

Maaring ibahin ang patakaran sa lipunan, kapaligiran, politika, ekonomiya,edukasyon, at teknolohiya,
Ngunit dapat ding  ugaliin ang  laging pagmamalasakit sa kapwa.
At ang di matitinag na pananalig sa Maylikha,
Tiyak ko hindi tayo nalalayo sa pagiging isang  maunlad na bansa.

Sa aking pag –aaral, may mga estratehiya  para mapagbuklod at mapaunlad ang bansa.
Ngunit sa dinami - dami nila, ang komunikasyon ang elementong pinakamahalaga.
Sa paraan ng  komunikasyon, malalaman ang saloobin ng bawat isa,
At ito ang siyang kailangan sa paggawa ng mga patakarang magaganda.

Sa akin ding pag-aaral, nalaman ko na  importante ang  paghasik ng tamang impormasyon,
Pati na rin ang dalubhasa sa larangan ng komunikasyon,
At syempre ang taong may pusong totoo sa pagtulong,
Upang ang ating bansa ay  tuloy-tuloy sa  pagsulong!





















Friday, May 8, 2009

salamat..ang tunay na lalaki!

sa kalagitnaan ng aking kalungkutan, dahil kaaalis lang ng besh prend kong si lot patungong Canada, gusto kong aliwin ang aking sarili at matawa man lang kahit panandalian..

check this site
http://tunaynalalake.blogspot.com/2009_04_01_archive.html !!!

nung isang gabi, nagbabasa ako ng blog na
http://whenbaduyhappens.blogspot.com/2008/03/how-not-to-be-baduy-obligatory-gucci.html, natawa ako dun sa isang post about kay kuya cesar. dapat daw may collaboration si kuya cesar at francism and gloc 9!ang sakit sa ulo..hehehe.

si enoch na katabi ko na pareho kong pumepetiks ay ngingiti-ngiti, tumatawa na naman daw akong mag isa!..pinakita niya ung binabasa niyang blog na
http://tunaynalalake.blogspot.com/2009_04_01_archive.html
juice ko!!!!panalo ito! naubos ang oras namin sa katatawa!hahahhahahha!
ilan ito sa mga nilalaman..ang manifesto ng isang tunay na lalaki.

Manifesto ng Tunay na Lalake

Ang tunay na lalake ay di natutulog.
Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
Ang tunay na lalake ay walang abs.
Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.



ang pinakapanalo ay ung sinabi na si Britney Spears daw ay isang tunay na lalaki dahil ang tunay na lalaki, hindi nagpapanty!!!bwhahahahahah!!
sabi ni enoch, di na daw siya magsstarbucks maliban kung libre, dahil ang tunay na lalaki di nagsstarbucks maliban kung libre..hahaha..syempre, lagi na lang nasasama sa usapan namin ang " ang tunay na lalaki"


================

sakit ng mga mata ko...syempre iyak na naman ako ng iyak kanina (naiiyak na naman ako)..si lot kasi, pumunta na ng Montreal..sabi nga ng nanay ko, panu na daw yan wala na ako kasama..the people who know us well, would say that Lot and I have a remarkable friendship. kinder pa lang magkaibigan na kami, dati binabayara ko pa siya ng 50 cents para isulat niya ung number 6, kasi di ako marunong..hehehehe..medjo naghiwalay lang kami nung college kasi sa Baguio siya at dito ko sa Manila, pero lagi kami naglalasing pag sembreak!

we would always talk about our dreams when we get rich.lagi na lang kaming namimintas at nang-uulol ng mga lalaki.hehehe..kaya natuturn off sila sa amin..hehehe..

sabi nia, di bale mabilis lang naman ang October, baka makapagbakasyon na siya..para akong batang sinasabihan ng nanay na wag na ako malungkot.ang akin lang, kahit magbakasyon siya, ang hahanapin ko pa rin ung samahan namin dito sa 'pinas..kahapon, naglunch sa bahay..pagkapasok ko sa kwarto, hayun..nagtutupi sia nung mga tambak na damit ko..sabi niya, para pag uwi ko daw sa gabi, di ko na iintindihan ung mga damit, matutulog na lang ako..haaaaayyyy..

nalulungkot talaga ako..syempre, malayo na siya, di ko na lagi makwekwento mga kabadtripan ko sa buhay, ung pagtatae ko dahil kumain na naman ako ng pusit.di na naming pwedeng gawing suyurin ang buong sm north at lilipat sa trinoma at dun kakain, tsaka pupunta sa gateway tapos magrereklamo kami dahil nasusuka sa mga kinain namin..hehehheh..si lot ang aking partner in crime, isang tinginan lang alam na namen na may inuulol na na man kami sa loob loob namin, kaya naming magdaldal non stop habang byahe mula manila to la union.hardcore Ilocano kami!hehehe.. malupit ang imagination namin pag kami ay nang uulol,araw araw na text brigade kami, minsan kami lang ang nakakaintindihan.she has a very good photographic memory that would always make me laugh..we never get tired of all those old stories..




ang hina ko talaga pag may mga umaalis na malalapit sa puso ko.parang dinudurog ang puso ko pag naalala ko ung mga scenarios na hahatid ko sila sa airport..halos nga lahat sila nasa far far away na..pero..tuloy pa rin ako, we are all under the same sky, being taken care by One Guy..i know we have a strong bond that distance could not defy the trusting and loving relationships i have with them.


==========


ang tunay na lalaki, hindi natutulog..
lalaki ata ako,, 6 am na , gising pa din ako...hehehhehe..


Monday, May 4, 2009

the saguijo experience..pororot edition :)





coming accross with saguijo makes me say, hahahahahaaaaaaay.... being hooked for weeks with the 'heads after the final set concert last March 09, 2009 made me search for documentaries, blogs, information that would tell about the break up, the drama before and after the reunion concerts. the result? it made me discover rock ed and saguijo.dahil sa interview ni Gang Badoy sa 'Eheads.

one thing led to another.

kung dati, iniisip kung panu maging volunteer ng rock ed at makapunta sa Saguijo (naintriga ako kung bakit dun nagpunta at nagjamming sina Markus, Raimund at Buddy nung nacutshort ung 'heads reunion) . nung April 30 nandun ako sa Saguijo kausap mga ibang organizers ng Rock Ed (syeeet, di ko nakausap si Gang Baduy, pinakafounder, papapekchur sana ako, pero nahiya ako kay Myrene Academia ng Sandwich kasi nag uusap sila!).just because i like checking rock ed's site, i submitted an entry for the rock ed's original grant (sponsored by Havaianas). subok lang ba..wala namang nawala..hehehe. nanalo pa ung entry ko for the professional division ng major prize!!!!!!!!yeheeeey!!akalain mo!i am so glad and proud that the judges (uy, isa si Buddy Zabala, krash ko!) considered my entry feasible. the p15,000.00 grant will be for the free seminar about backyard gardening in my hometown, San Gabriel, La Union. this is to encourage the locals to have their backyard garden as a simple way to fight poverty. it is called " Sariling Hardin , Ating Palaguin" . i was asked to explain briefly about the project at the front , i only uttered two sentences, hiya ako, di ako prepared..heheh.

Hindi madali ang mga pangyayari bago ako nakarating sa Saguijo for the awarding. ung date na un, iba plano ko with Ron, punta sana kami Mag-net high street for NU's 2girls1show listener's party. sinabihan ko siya days before na di na lang dun kasi saguijo na lang. sumunod, nagkasakit si Ron sa araw na un. Sina Lot di din pede kasi flight nia for Canada kinabukasan. ok lang naman na sana na wala na akong kasama kaso ang back pain ko ay panalo!!!!!naiiyak na ako habang iniisip ko kung punta ako o hinde..at salamat kay Ron , sinamahan din ako.

natuwa ako sa Saguijo..magaan dalhin, di maarte ang mga tao. maliit lang na place, pero maganda ung vibes..the bands were loose. up close and personal ang labanan sa mga nagpeperform kasi super lapit ..it's rubbing elbows with some of the big acts of rock OPM.sobra akong nagenjoy watching gaijin,sugarfree,sandwich,at archipelago .nahiya tuloy akong makipagtinginan kay raymund marasigan, baka sabihin nia stalker ako!!hahahahah!!







if there is one thing i hate about going there, it's eating the calamares. the destruction it brought me? pororot!==LBM, vomitting, no appetite to eat, sick leave for 2 days. I forgot how my stomach hates pusit (peyborit ko pa naman).My plan of accompanying Lot to the airport the next day was ruined. Toni knows how I cried that day, but she did not know exactly why i was crying, she thought its with the LBM....but it was because of my best friend going in a far far away place.We have been friends ever since we were six years old. missing her so much made those tears unstoppably stream down on my face.. i doozed off my loneliness.. got a text, she missed the flight.. long story..hehehe..

===========

minsan natatawa na natutuwa ako sa mga naiisip ko..kahit magulo.

may time na gustong gusto ko magakaroon ng small vegetable farm pangnegosyo, isinantabi ko muna..may nagsabi pa, pinag aral pa daw ako ng magulang ko ng dalawang degree para lang magtanim..hehehe.

ung pagkafan ko sa 'eheads, napadpad sa pagbabasa ko ng mga blogs ni Gang Badoy. dahil dun, pinangarap kong maging volunteer ng rock ed at pumunta ng saguijo..and now, i still find myself in awe how these things were being constellated..and if i come to think of it, how did my dream for gardening bring me to Saguijo and be a part of Rock Ed?mahilig ako sa mga rock music, gusto ko ring magtanim, pangarap kong makatulong sa komunidad.these yearnings seemed to be entwined in one event, the saguijo experience.

may mga paraan, paliparin lang ang kamalayan.
nangangarap na naman akong magkaroon ng ganito...rock club..hehehe


























Thursday, April 16, 2009

kumikitang pangkabuhayan :)


lumapit sa akin si enoch, sabi nia " sha, magnegosyo tayu". sabi ko eh ano naman, drugs daw..hehehe.sabi ko ayaw ko ng mga illegal...at napunta ung usapan namin sa negosyong na pareho naming gusto. mainam na magtayu ng isang resto bar and grill sa la union, sa surfing area. sabi ko ung low key lang pero parang ung mga dencio's type na resto, kukunin si jericho rosales na magpromote (andun sia lagi, susurf).sabi naman nia pag may event daw kahit may mga banda na galing sa manila, pero wala daw dapat na videoke (hehehe).maganda daw dapat ung sound system,magpatayu na rin daw ng shop para sa mga nagsusurf. kako, at ako na rin magtatahi..hehe..


ang sarap mangarap.

si enoch ay small time business partner ko. nakapagnegosyo na rin kami ng mga lhasa apso dogs (nagbrebreed sila, dinideal ko sa iba),nakapgbenta na rin ng sapatos nia na converse (ikinain namin), nagbenta na rin sia sa akin ng 2k eheads concert ( 3k dapat, at nag-abono daw sia sa ate nia), may binenta na rin akong nike na mug sa kanya (P250, nakaw ata ung ginawa naming un).
so far so good, wala pa namang breach of contract.hehehe.
sana makapagdeal kami ng ultimate ears na earphones.

naisip ko, ang makipagbusiness sa kaibigan ay hindi madali dahil minsan pag pera ng ang usapan kasi maaring magkasiraan ang magkaibigan.
pero kung respeto at tiwala ang aalalay sa negosyo, kikita ka na, may kaibigan ka pa ;)

who knows, with our small business dealings, maging sky rocket din ang negosyo namin,
ang resto bar and grill sa la union..

tapos lagi ko papatugtug ung tipong mga pinapatugtug sa NU 107.. ung nasa playlist ni darnalipad, mga albums ni francis m, mga hindi sikat na songs ng 'heads, eagles, bob marley, mga old incubus songs, 80's big hits, gin blossoms, dishwalla, the police, U2, dixie chicks,ung tipong rx's monster riot, dasboard confessions, weezer,dave matthews band,basta masarap sa tainga pakinggan.

tapos pag may events magpeperform pedicab,pupil, sandwich,cambio,markus highway (sana sa iisang gig para parang binuo ko na din 'heads) peryodiko, urbandub, noel cabanagon, the jerks, kjwan, radio active sago project, ung mga nanalo sa muziklaban, cynthia alexander...ung mga nagpeperform sa ayuyang sa Baguio (nasaan na kaya si Mike at si cris?)at iba pa na astig na banda!


tapos....may small shop sa loob, may mga panindang team manila na stuffs! o kaya mga shirts na designed by patek (kahit nasa australia sia)

tapos.. ako dapat lagi ako nasa kitchen para masupervise ko ang pagluluto ng mga cooks!

in short, magreresign na ako sa trabaho ko dito sa manila..kung kaya ko pa, papasok akong nars sa ospital sa la union ( experience para makapag abroad, pag nakaipon babalik para palaguhin pa ang negosyo)

eehh asan na ung kapartner ko sa negosyo? work pa din sa Siemens..work na siya, may negosyo pa.. sia ang maghahakot ng mga prends para magsurf sa la union.

saan kaya kami kukuha ng one milyon?dat onli..hehehe.

Tuesday, April 7, 2009

fine time with coffee jelly

for the past days, my emotions are just "steady"..go lang nang go with a smile..but not until 2 hours ago,just got home. ang mga kasambahay ko ay umuwi ng la union for the holy week..parang may kumurot, ang lungkot umuwi na tahimik ang bahay..our place is chaotic..minsan iba iba ang casting..hehhehhe..

sinalubong ako ni klark, habang hinahawakan ko siya, biglang tulo luha ko...namimiss ko mga housemates ko, namimiss ko si toni..

si toni... i consider her as my kid sister..na kailangang pagsabihan, gabayan..much issues about her have been going around at the office. german sausage, and the like...haaayyyy..

i was about to go home, when i heard her calling "shaaaaaaa!".. habang nagyoyosi ako, nagsasalita siya..i did not look at her, i was trying to give her the cold response..nabadtrip na naman kasi ako sa mga texts niya. she planned for a get together before she leaves, resigned na sia. but it was a super short notice.sabi niya, " i thought we could spend some time together before i go out with everybody..."..and i replied "and i thought you would want to spend some fine time alone with me.."...nabat empty na ako..

i was asking her some questions about the issues going around about her, she denied..may dumating, isang nognog galing bohol, kaitiman..hehe..as we were on our way to starbucks (brinaso namin si toni para treat niya kami) sabay sabay na nman kaming nagsasalita..tong si enoch pati aso at ang may-ari ay napansin nia.mas maganda daw ung aso, kesa dun sa may ari..whatdaahhh!!ganyan po ang mga kaibigan ko, eclectic..

kawawang toni, inalila na naman namin..siya na nga ang nanlibre siya pa ang nautusang kumuha ng order...bwhahhahhaha... that's what you get from us pag may mga iba kang pinaggagawa! as the usual toni, she was talking and talking again trying to explain, while enoch seems to be uneasy.nagmamadali..may mga iniiwasan pala na papunta din sa starbucks..hahaha!!umalis na kami, naglakad, di ko alam saan kami iikot, basta lakad lang habang inaasar namin si toni at ipinamumukha ang kagagahan niya. until we reached eastwood mall.wow!parang luneta lang ito..umupo, nagyosi at dun inubos ang kape..patuloy pa ring nagsasalita si toni, ako nakikinig, si enoch parang wala sa sarili..pero sabay naming sinasabing " di nga ba, tanga at stupida ka nman talaga!".

30 minutes had passed, we decided to go home..pagkatayo ko, i stretched my arms upwards, sabay kanta...the whole day would be fine, fine , fine., fine...

sa taxi..enoch asked me if i believed toni..i said yes..gusto ko sabihin, parang ung paniniwala ko sa iyo, kapag nageexplain ka din pag may mga issues..

i trust them.. i would believe what they say.mas maniniwala ako sa mga kaibigan ko :)

=====
first entry to be published..ewan ko ba may 3 na akong nagawa, i thought i saved it sa drafts..wala naman..kakamiss magblog, dati meron ako sa prendster, pero nocturnal na siya..hehehe..